Kinumpirma ng Malacañang na hindi dadalo ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on foreign Relations na pinamumunuan ni Senador Imee Marcos.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nasagot na ng mga nasabing ospiyal ang mga mahahalagang katanungan kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala anya siya na sapat na ang naging pagdalo ng mga ito nuong March 20 at hindi na kailangan pang dumalo ulit dahil naisapubliko na ang detalye sa naunang imbestigasyon.
Binigyan-diin pa ng Palace Official na ayaw nilang makaimpluwensiya o malabag ang sub-judice rule ng korte suprema sa usapin dahil mayroon ng mga petisyon na inihain kaugnay dito.
Nabatid na itinakda ang ikalawang imbestigasyon, bukas, April 3.—sa panulat ni Kat Gonzales