Nakabalik na ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte.
Batay sa kanyang tanggapan, lumapag ang sinasakyang eroplano ng pangalawang pangulo sa Ninoy Aquino International Airport, mag-a-alas diyes ng gabi.
Bukod pa rito, ipinabatid din ng Office of the vice President na tutugunan ni VP Sara ang mga mahahalagang usapin sa mga susunod na araw.
Una rito, sinabi ng Bise Presidente na handa na siyang umuwi ng bansa dahil anya, natapos na niya ang kaniyang kinakailangang gawin sa The Hague, Netherlands para sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Marso 12 dumating sa The Hague ang Bise Presidente, isang araw matapos maaresto ang kanyang ama dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court. —sa panulat ni John Riz Calata