Umabot sa 125 Pilipino na hinihinalang na-recruit na magtrabaho sa scam hub sa ibang bansa ang naharang ng Bureau of Immigration noong 2024.
Ayon sa B.I., madalas na idinadala ang mga nasabing biktima patungong Malaysia, Cambodia, Laos, at Myanmar.
Karamihan anila sa mga biktima ay pinilit ng kanilang mga recruiter na magpanggap bilang trabahador ng mga Business Process Outsourcing o call center upang makalabas ng bansa.
Kadalasan din anilang nare-recruit ang mga biktima sa pamamagitan ng mga social media advertisement na nag-aalok ng mataas na sahod, gayundin sa Telegram at Facebook.
Sinabi ng ahensya na kabilang sa mga target ng mga trafficker ang mga college graduate mula sa National Capital Region at mga kalapit na lugar, na nasa edad 22 hanggang 40.—sa panulat ni John Riz Calata