Tinatayang 115,000 Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa mga sakit na dulot ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at vape.
Batay ito sa Global Burden study ng Institute for Health Metrics and Evaluation.
Lumabas din sa naturang pag-aaral na ang alak, vape at sigarilyo ay nagdudulot ng ‘widespread disabilities’ at nababawasan din nito ang productivity.
Kaugnay nito, umapela si Philippine Medical Association President Dr. Hector Santos sa Department of Health na isulong ang pangangailangan na palakasin ang mga batas upang maprotektahan ang mga kabataan mula sa naturang epidemic.
Hinimok din ng mga doktor at health advocates sa ilalim ng sin tax coalition, ang mga kandidato na iprayoridad ang pagpapaigting sa health tax policies, na bahagi ng kanilang campaign slogan na “tax yosi, vape, at alak now.”