Talaga namang malaki ang naiaambag ng teknolohiya sa pang araw-araw na buhay ng mga tao. Hindi lang nito napapadali ang mga gawain, nakatutulong din ito na mahanap ang mga nawawala. Katulad na lang ng isang pusa na biglaang nawala ngunit ligtas ding nakauwi sa kanilang bahay dahil sa tulong ng microchip.
Ang buong kwento, eto.
Labis na takot ang gumapang sa 25-anyos na si Sophie Carty mula sa Darlington, England nang bigla na lang mawala ang alaga niyang pusa na si Luna noong November 2024 sa hindi niya malamang dahilan.
Makalipas ang apat na buwan, pagdating ng Marso, nakatanggap ng tawag si Sophie mula sa Highland Vet Referral.
Doon nalaman ni sophie na ang alaga niyang si Luna, nakarating na pala sa Scottland na anim na oras ang layo sa lugar kung saan ito nawala.
Natagpuan daw si luna sa shed ng isang hotel sa Inverness at dinala sa nasabing veterinary clinic. Nasa mabuting kalagayan na raw ito bagamat nangayayat at dumaan sa operasyon.
Mabuti na lang at mayroong kautusan sa England na lagyan ng microchip ang mga alagang pusa bago sila tumuntong ng 20 weeks.
Sa tulong ng kasing laki ng butil ng bigas na microchip, natagpuan si Luna dahil ang nilalaman nito ay ang contact information ng owner at iniimplant sa balat ng mga pusa.
Samantala, walang kaide-ideya si Sophie kung paano nawala ang kaniyang alaga. Pero suspetsa niya na baka sumakay ito sa isang delivery van o di naman kaya ay nanakaw.
Gayunpaman, nakauwi na si Luna sa England at nakararanas ng malourishment, infection, at suspetya rin ni Sophie ay mayroon itong nerve damage. Muli rin itong dinala sa veterinary clinc at tuluyan nang nagpapagaling sa tulong ng mga gamot na inireseta rito.
Ikaw, sa paanong paraan mo sinisiguro na laging ligtas ang mga fur babies mo?