Bahagyang tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na ikinukunsidera ang kanilang sarili na mahirap.
Batay sa Self-Rated Poverty survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong Marso, nasa 52% o mahigit labing apat na milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap.
Mas mataas ito kumpara sa 51% noong Pebrero, at 50% noong Enero.
Samantala, 12% naman ang nagsabing pasok sila sa borderline, habang 36% naman ng respondents ang nagsabing hindi sila mahirap.
Nakapagtala ng pinakamataas na self-rated poverty ang Visayas, na umabot sa 62%; sinundan ng Mindanao, 60%;
Habang nakapagtala naman ng 46% ang Balance Luzon, at 41% naman sa Metro Manila.
Isinagawa ang naturang survey sa 1,800 rehistradong botante sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interviews.