Kinikilala na ng Google maps ang West Philippine Sea.
Tinukoy ng Global Mapping platform ang West Philippine Sea na nasa kanlurang bahagi ng bansa.
Noong 2012, pormal itong pinangalanan sa ilalim ng administrative order no. 29 ni dating Pangulong Benigno Aquino III, at kinatigan ng Permanent Court of Arbitration ang Sovereign Rights ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito sa WPS noong 2016.
Marami namang netizens ang natuwa sa tamang label na ginamit ng Google maps.