Talaga namang kaniya-kaniyang gimmick ang mga tao ngayon para lang makapandaya at makalikom ng easy money. Katulad ng isang babae sa Spain na lagpas isang dekadang nagpanggap na hindi nakakapagsalita para lang kumita ng pera sa pension.
Kung ano ang kinahinatnan ng babae, eto.
Isang araw noong 2003 sa Andalucia, Spain, habang nagtatrabaho ang isang babae sa isang grocery story ay bigla na lang daw itong inatake ng customer na naging rason para mag-develop at ma-diagnose ito ng post-traumatic stress disorder o PTSD.
Dahil dito ay pinagkalooban ng Social Security ng permanent disability pension ang babae na nanggagaling sa isang insurance company dahil work-related daw ang kaniyang kaso.
Makalipas ang 16 na taon ay nagsuspetsa ang nasabing isnurance company nang i-review nila ang medical records ng babae at napansing wala namang record na hindi ito nakakapagsalita kung kaya nanghingi na sila ng tulong sa ibang doktor at isang psychologist ang nagsabi na posibleng mayroong fraud na nangyayari.
Matapos nito ay nag-hire na ng private detective ang insurance company at doon nadiskubre na normal naman pala itong nakakapagsalita. Bukod sa nakita nito ang babae na nakikipag-usap sa mga nanay sa labas ng eskwelahan at sumasali pa sa mga zumba classes, kinausap din mismo ng private detective ang babae at nagkunwaring nagtatanong ng direksyon papunta sa isang department store.
Gamit ang mga video recorded na ebidensyang walang speaking disability ang babae, dinala ng insurance company sa korte ang kaso kung saan napatunayan na hindi na nila kinakailangang bigyan ng pensyon ang babae. Sinubukan din umapela ng babae dahil nalabag daw sa recorded video ang kaniyang constitutional rights ngunit binasura ito ng korte.
Samantala, mayroong malaking tyansa na magsampa ng reklamo ang insurance company laban sa babae.
Sa mga nagpapanggap diyan para lang makapanlamang, alam niyo ba na walang lihim na hindi nabubunyag?