Pinag-aaralan na ng Department of Transportation na ibalik ang drug test sa mga motoristang kukuha ng driver’s license.
Sa gitna ito ng pagtaas ng bilang ng mga naaaksidente sa kalsada ngayong semana santa dulot ng mga “Kamote riders”.
Bukod dito, sinabi ni Transportation Assistant Secretary at Office of Transportation Cooperatives Executive Director Mon Ilagan sa DWIZ, na nirerepaso na ng kagawaran ang road action plan upang maibsan ang aksidente sa mga kalye.
Tiniyak naman ni Asec. Ilagan na 24/7 nilang babantayan ang transport sector dahil maraming motorista ang hindi pinapansin ang batas trapiko at inilalagay pa sa panganib ang kaligtasan ng mga pasahero.