Bukod sa pagiging isa sa mga simbolo ng easter, maraming benepisyo ang itlog sa katawan ng tao.
Mabisang source ng protina ang itlog at may taglay na essential amino acid na kailangan ng katawan para mapanatili ang ating muscle mass at strength.
May taglay rin itong fats at vitamins and minerals tulad ng vitamin A na pampalusog sa mata; vitamin B para sa utak at ugat; vitamin D para sa malusog na buto; at vitamin e para proteksyon mula sa sakit.
Laman din nito ang iron na nagpapalusog ng dugo; calcium na pampalusog ng buto at ngipin; lutein para sa mata; at zinc na nakakatulong para maging malusog ang ating tissues at mabilis na gumaling ang mga sugat.
Mas mainam kung ilalaga ang itlog kaysa iprito upang hindi masyadong mamantika.—sa panulat ni John Riz Calata