Magiging normal na ang sitwasyon ng mga estudyante at mga guro ngayong ibabalik na sa Hunyo ang pagbubukas ng mga klase sa mga paaralan.
Ito ang inaasahan ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian sa harap ng Pagsisimula ng school-year 2025-2026 sa mga pampublikong paaralan sa June 16, 2025.
Ayon kay Gatchalian, inaasahang makakabalik sa normal ang mga estudyante matapos na maapektuhan ang kanilang pagaaral ng COVID-19 pandemic at matinding init ng panahon.
Nanawagan ang Senador sa mga LGUs, tourism establishments at mga healthcare providers na magtulungan para maibigay ang nararapat na medical services sa mga kabataan lalo’t ngayon na nahaharap pa rin tayo sa banta ng init ng panahon kahit tapos na ang klase ng mga estudyante.
Tinukoy ng mambabatas na marami pa rin ang nakabakasyon ngayon at ang mga outdoor activities ay maglalantad sa mga bata sa napakatinding init kaya mahalagang tiyakin ang kanilang kaligtasan.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)