Iginiit ng Malacañang na ang pagkalat ng fake news ang isa sa posibleng dahilan ng pagbaba ng approval at trust ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, ang 2,400 respondents sa survey ng Pulse Asia ay hindi sumasalamin sa sentimyento ng mahigit 100 milyong Pilipino.
Hindi naman aniya nababahala rito ang pangulo at tuloy lang ito sa pagtatarabaho.
Dagdag pa ni Usec. Castro, nais ng pangulo na matigil na ang pagkalat ng fake news.
Batay sa nasabing survey, bumaba sa 25% ang approval rating ng Pangulo noong Marso, mula sa 42% noong Pebrero.