Nababahala ang Commission on Human Rights sa patuloy na pagtaas na kaso ng online sexual abuse at exploitation of children sa Pilipinas.
Ayon sa CHR, nakitaan ng ‘dramatic surge’ ng mga kasong may kinalaman osaec matapos ang COVID-19 pandemya.
Sa datos na inilabas ng komisyon, halos Triple ang itinataas ng mga kaso kung saan nuong 2019, nasa mahigit 400,000 ang naitalang kaso at tumaas ito sa 1.2 million nuong 2020 at nasa mahigit 2.7 million na kaso nuong 2023.
Binigyan-diin ng CHR na isa sa nakikita nilang dahilan ang kahirapan kung saan karamihan ng mga naitalang kaso ay kagagawan ng mismong kapamilya o kamag-anak ng mga biktima.
Dahil dito, muling kinalampag ng CHR ang pamahalaan at iba pang mga kaukulang ahesnya na ipaglaban ang interes ng mga bata at paigtingin ang rescue and rehabilitation sa mga batang biktima.—sa panulat ni Kat Gonzales