Lahat naman yata tayo ay sasang-ayon na ang weekends o ang dalawang araw na maiksing pahinga sa trabaho ay hindi talaga sapat para makapag-recharge ng katawan at lalo na ng isip. Kaya nga siguradong mapapa-sana all ka na lang sa Japan dahil magkakaroon na sila ng tatlong araw na pahinga sa trabaho pero para solusyunan ang kanilang declining birth rate.
Ang buong detalye ng kwento, eto.
Ngayong buwan, makatatanggap ng good news ang mga government workers sa Japan dahil magsisimula na ang kanilang 4-day work week regime.
Pero hindi lang ito para makapagpahinga at magkaroon ng work-life balance ang mga empleyado, kundi para na rin masolusyunan ang bumababang birth rate sa kanilang bansa.
Ayon sa Governor ng Tokyo na si Yuriko Koike, sa bagong implementasyon na ito ay magkakaroon ng tatlong araw na pahinga mula sa trabaho ang mga empleyado para siguruhin na hindi na kakailanganin pang mamili ng mga ito sa pagitan ng kanilang career at pamilya.
Dahil sa ilang taon nang mababa ang fertility rate sa Japan, nanghikayat na ang gobyerno sa mga lokal na magpakasal at magkaanak na.
Bukod pa riyan ay magkakaroon din ng bagong policy na kung saan ay magkakaroon ng option ang mga magulang na mayroong anak na nasa grade 1 hanggang grade 3 na mag-clock out nang maaga sa trabaho para magkaroon ng quality time kasama ang kanilang mga pamilya.
Pero bago pa ang Japan ay nauna nang sinubukan ng Iceland ang effectivity ng nasabing initiative at pagdating ng 2022 ay halos kalahati ng workforce ay ginawa nang mas maigsi ang kanilang work schedule.
Sa magandang resulta na napatunayan nito mas nagiging productive ang mga empleyado ay nagsunud-sunod na ang iba’t ibang mga bansa na i-adopt ang 4-day workweek regime katulad ng Denmark, Iceland, Germany, at Belgium.
Ikaw, napa-sana all ka na lang din ba nang marinig ang kwento na ito?