Pinangangambahan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na malugi ang mga magsasaka ngayong sisimulan na ng Department of Agriculture ang pagbebenta ng bente pesos na kada kilo ng bigas sa Visayas.
Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, posibleng baratin ng malalaking trader o dealer ang mga rice farmers sa oras na tuluyang ibagsak ang retail price ng bigas sa 20 pesos per kilo.
Nilinaw ni Cainglet na bagaman maganda ang layunin ng gobyerno na tulungan ang mga consumer, hindi dapat isaalang-alang ang kapakanan ng mga magsasaka.
Samantala, nanawagan naman ang sinag official sa DA na kung ibabagsak pa ang presyo ng bigas, dapat namang taasan ang subsidiya sa mga rice farmers at ibalik sa dating 35% ang taripa sa imported rice upang magamit ang pondo nito bilang tulong sa mga magsasaka.—sa panulat ni Jasper Barleta