Pinaghahandaan na ng Department of Social Welfare and Development ang pagsasagawa ng Nationwide Supplementary Feeding Program para sa mga bata sa Child Development Centers at Supervised Neighborhood Play na pasisimulan sa Hunyo 2025.
Pagkakalooban ang nasa 1.5 milyong bata sa loob ng isang daan at dalawapung araw ng mainit na pagkain at gatas, gamit ang pondo na aabot sa 5.18 bilyong piso.
Layon ng programa na paigtingin ang nutrisyon ng mga bata at itaguyod ang paghahain ng mga lokal at katutubong pagkain.
Ang pagsasagawa sa naturang programa ay bilang pagsuporta sa zero hunger objective ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.—sa panulat ni Jasper Barleta