Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Chief Conrado Estrella bilang caretakers ng bansa.
Ito’y habang nasa Vatican ang presidente upang dumalo sa libing ni Pope Francis, bukas.
Ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa Vatican, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, ay bilang pagpapakita ng pakikiisa at paggalang sa yumaong santo papa, na kinikilala bilang simbolo ng habag, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.
Kaugnay nito, tiniyak ni Executive Secretary Bersamin na mananatiling maayos ang operasyon ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaan at ang tuloy-tuloy na serbisyo publiko habang nasa ibang bansa ang pangulo.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)