Nadismaya at nasaktan ang buong Department of Agriculture sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa kalidad ng bigas mula sa National Food Authority na ibebenta sa halagang bente pesos kada kilo.
Ayon sa Bise Presidente, hindi pantao kundi panghayop ang bigas na P20 per kilo na ibebenta sa Visayas.
Kaugnay nito, iginiit mismo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na ligtas at dekalidad ang bigas ng NFA na galing sa mga lokal na magsasaka.
Dagdag pa nito, araw-araw nila itong niluluto at kinakain sa D.A.
Umapela naman ang kalihim kay VP Sara na isantabi ang pulitika at magkaisa para sa kapakanan ng mga Pilipino.