Tiniyak ni National Food Authority Administrator Larry Lacson na ang kalidad ng bente pesos kada kilo ng bigas ng pamahalaan ay akma para sa pagkain ng tao at “hindi para sa hayop.”
Ito ay bunsod ng pambabatikos na natanggap ng gobyerno hinggil sa inisyal na implementasyon ng nasabing bigas sa Visayas.
Ayon kay Administrator Lacson, nasasaktan sila sa patutsada ni Vice President Sara Duterte na sinabing “pagkaing hayop” ang ibinebentang bigas.
Aniya, mayroon silang sinusunod na sistema upang mapanatiling maganda ang kalidad ng mga rice stocks at pinatotoong buwan-buwan itong tine-test sa laboratoryo upang matiyak na delikadad ang mga ito.
Inamin din ng opisyal na masakit ito para sa mga magsasaka dahil sila ang mismong nagsusuplay ng bigas sa NFA.—sa panulat ni Jasper Barleta