Pinalagan ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas Senatorial candidates ang paninira sa ilulunsad na bente pesos kada kilo ng bigas ng pamahalaan.
Sinabi ni dating Senate President Tito Sotto na tama lamang na gamitin ang pera ng taumbayan para mas mapamura ang bentahan.
Para sa mga nagsasabing huli na para ipatupad ito, tugon ni dating Senador Ping Lacson na hindi huli ang lahat kapag gutom at kahirapan ng Pilipino ang tinutugunan.
Ipinaliwanag naman ni dating DILG Secretary Benhur Abalos na matagal na itong mithiin ni Pangulong Bongbong Marcos at hindi aniya makatwiran na ngayong ginagawa na ay pinupuna pa rin ito.
Samantala, bumwelta naman si Makati Mayor Abby Binay na hindi eleksyon ang dahilan ng programa dahil maganda naman ang rating nila ni former Senate President Sotto sa Visayas kung saan ilulunsad ito.
Magugunitang sinabi ni Vice President Sara Duterte na ginagamit lamang ng administrasyon ang pagpapamura ng bigas sa Visayas dahil posibleng mahina ang boto ng Alyansa slate sa rehiyon.