Binigyang diin ng Teachers’ Dignity Coalition ang karapatan ng mga education professionals, kasunod ng naging kontrobersya sa graduation ceremony sa Antique.
Ito’y matapos kumpirmahin ni Communications Undersecretary Claire Castro na natanggal na sa pwesto si Principal Venus Divinia Nietes ng Colonel Ruperto Abellon National High School.
Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, habang nananawagan sila ng hustisya para sa mga apektadong estudyante, umaasa rin sila na mapahalagahan ang karapatan ng mga school official na sumailalim sa patas na due process.
Bilang kilalang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga guro, malugod na tinanggap ng samahan ang mabilis na pagkilos ng Department of Education sa kaso ngunit hinihimok nila na sana’y maging pantay ang pagresolba sa nasabing isyu.