Aabot sa halos 400 mga pasilidad ng kulungan sa buong bansa ang itatalaga bilang mga special precincts para sa 2025 midterm elections.
Ayon sa COMELEC, layon ng hakbang na tiyakin ang karapatang makaboto ng mga Persons Deprived with Liberty habang pinapanatili ang seguridad at kaayusan ng mga pasilidad.
Ang mga special precincts ay itatatag sa pakikipagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na proseso ng pagboto para sa mga PDLs.—sa panulat ni Jasper Barleta