Umakyat na sa mahigit 7,000 indibidwal o katumbas ng 14,000 pamilya ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development Field Office, may pinakamaraming apektado ay mula sa bayan ng Irosin na nakapagtala ng 8,158 pamilya o 40,776 katao mula sa 22 barangay.
Sinundan naman ng Juban, na may 2,934 pamilya o 14,671 katao mula sa 10 barangay habang 1,925 pamilya o 9,625 katao sa Casiguran.
Samantala, dalawang bayan ang nakapagtala ng mga residenteng nailikas sa mga evacuation centers, kabilang ang Irosin, na may 6 na pamilya at labing tatlong pamilya sa Juban.
Patuloy namang nagsasagawa ng koordinasyon ang mga lokal na pamahalaan, DSWD, at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan at mga pangangailangan ng mga naapektuhang residente.