Namayagpag ang Trabaho Partylist bilang top 3 sa Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na inilabas ng WR Numero Research (WRN) para sa Metro Manila.
Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng grupo bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN, dalawang linggo bago ang halalan.
Nabatid na tinangkilik din ang Trabaho maging sa Mindanao kung saan ito ay itinanghal na top 5 party-list.
Sa national cluster, umangat ito sa ika-13 pwesto mula sa ika-50 na dating pwesto.
Ang nasabing survey ay nilahukan ng halos 1,894 rehistradong botante nitong Marso 31 hanggang Abril 7.
Target ng Trabaho na isulong ang karapatan ng mga manggagawa sa paglaban sa tamang pasahod, pagbibigay ng sapat na benepisyo at mabigyan ng patas na oportunidad ang bawat isa.
Nagkasa rin ang pro-worker rights group ng voter’s education campaign bilang parte ng commitment nito sa pagdaraos ng malaya, maayos, tapat, mapayapa at malinis na halalan sa bansa.
Bukod sa pagtuturo kung paano bumoto para sa party list, nagpaalala rin ang Trabaho na bumoto nang tama at matalino.
“Voting is not just a right, it’s a responsibility,” diin ni Atty. Michelle Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho.