Itinanggi ng Malacañang ang lumabas na ulat na nakuha na ng China ang Sandy Cay, isang maliit na isla na matatagpuan sa pagitan ng Pag-asa Island.
Sa Palace briefing, sinabi ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro na noong linggo ay nagsagawa pa ng inter-agency maritime operation ang Pilipinas sa Pag-asa Cays 1, 2, at 3.
Pinasinungalingan din aniya ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na kontrolado ng nasabing bansa ang Sandy Cay.
Muli namang binigyang diin ng palasyo na nagpapatuloy ang pagdepensa sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)