Madalas bang sumakit ang iyong kasu-kasuan o joints?
Ito ang nag-uugnay sa mga buto ng katawan at nagpapahintulot na gumalaw ang mga ito.
Ngunit bakit nga ba sumasakit ang kasu-kasuan? Narito ang ilang posibleng dahilan kung bakit sumasakit ang iyong joints.
Ang pagsakit ng joints ay posibleng dahil sa osteoarthritis.
Ito nararamdaman kapag ang lining ng mga kasukasuan, na tinatawag na cartilage, ay nasisira o napupunit.
Maari ring maging sanhi ng pananakit ang tendon o ligament injuries, ito ang mga bahagi ng katawan na posible ring mapunit.
At panghuli ang gout, isang uri ng arthritis na nagdudulot ng pananakit at pamamaga ng kasukasuan kapag tumataas ang uric acid sa dugo.—sa panulat ni Kat Gonzales