May pag-asa pang maipasa ang legislated wage hike bago matapos ang 19th Congress.
Ito’y ayon kay Senate Committee on Labor and Employment Chairman Senator Joel Villanueva bago, isang araw bago ang labor day.
Mahigit isang taon na ang nakalipas nang aprubahan ng senado ang Senate Bill 2534, na magbibigay ng P100 umento sa sahod ng mga manggagawang tumatanggap ng minimum wage, ngunit nananatiling pending sa kamara ang counterpart bill nito.
Iginiit ng senador na kailangan na ng mga manggagawa ng dagdag na sweldo para mabuhay nang may dignidad.
Hindi na rin aniya sapat ang kasalukuyang sweldo ng mga manggagawa dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Naniniwala naman ang Senador na matatalakay pa ang panukala sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo 2.
Maliban sa umento sa sahod, umaasa rin si Sen. Villanueva na maisasabatas ang panukalang security of tenure bill o panukalang batas na tutugon para matigil na ang kontraktwalisasyon o end of contract ng mga mangagawa.