Tinatayang 50 kongresista ang handang sumuporta sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo sa 2016 elections.
Ito ang inihayag ng supporter ng alkalde na si Davao City Representative Karlo Nograles makaraang personal na maghain ng certificate of candidacy si Duterte sa COMELEC head office, sa Maynila, kahapon.
Ayon kay Nograles, karamihan sa mga nabanggit na house member ay nagmula sa mindanao habang ang nalalabi ay nagmula sa Luzon at Visayas.
Gayunman, tumanggi ang kongresista mula Davao na pangalanan ang mga tinutukoy niyang kapwa mambabatas.
Aminado si Nograles na inatasan lamang siya ni Duterte na simulan ng pumili at makipag-usap sa mga posibleng maging kaalyado.
By Drew Nacino