Nilagdaan na ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ang bicameral report ng panukalang P3 trilyong pisong pambansang pondo para sa susunod na taon.
Dinaluhan nina Senators Loren Legarda, bilang Senate Finance Committee Chairperson, Juan Ponce Enrile, Ralph Recto at Bam Aquino ang bicameral meeting kasama ang mga kongresista sa pangunguna ni House Appropriations Chairman at Davao City Representative Isidro Ungab.
Ayon kay Ungab, ang pinakamahalagang amendments na kapwa pinagkasunduan ng senado at kamara ay ang karagdagang P7 billion peso budget para sa implementasyon ng Salary Standardization Law 2015.
Kabilang sa mahalagang napagkasunduan ang P2.7 billion peso para sa capital outlay ng mga state university at college.
Nakatakda namang ratipikahan ang national budget sa susunod na linggo o bago ang Christmas break ng Kongreso sa December 19.
By Drew Nacino