Nasa state of calamity na ang 3 bayan sa lalawigan ng Aklan dahil sa red tide.
Kabilang dito ang mga bayan ng Batan, New Washington at Altavas.
Unang lumabas sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa water sampling ang mataas pa ring level ng red tide toxin sa karagatang sakop ng mga nasabing bayan.
Nababahala naman ang mga negosyante at establishment sa isla ng Boracay dahil sa pagnipis ng supply ng seafoods matapos ang pagtataas ng red tide alert at mahigpit na shellfish ban sa tatlong coastal area sa Aklan.
By Judith Larino