Abalang-abala nga ngayon si Bossing Vic Sotto.
Dahil bukod sa paghahanda nito sa kasal ng kanyang fiance na si Pauleen Luna, busy din si bossing sa kanilang pelikulang ‘My Bebe Love’.
Ayon kay Vic, si Pauleen ang nakatoka sa paghahanda sa kanilang kasal habang siya naman ang bahala sa kanyang pelikula.
Sinabi ni Vic na si Pauleen ang bahala sa sarili nilang pelikula ang kanilang kasal.
Gayunman, tiniyak ni Vic na natutulungan at dumadaan naman sa kanya lahat ng mga paghahandang ginagawa para sa kanilang kasal.
Samantala, nang tanungin naman si Bossing kung balak nilang magka-baby ni Pauline pagtapos ng kanilang kasal, sinabi ni Vic na mangyayari ito sa tamang panahon.
By Ralph Obina