Normal na ang pagtataas ng alerto ng PNP o Philippine National Police ngayong Kapaskuhan.
Ito ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor ay para matiyak na mayroong sapat na puwersang ide-deploy para rumesponde sa mga sitwasyon.
Sinabi ni Mayor na taunan namang nagtataas ng alerto ang PNP kapag holiday season kung kailan dinadagsa ng publiko ang tiangge at iba pang matataong lugar.
Kailangan din aniya ang presensya ng kapulisan sa mga terminal na dinadagsa ng mga tao lalo na yung mga uuwi sa mga lalawigan.
By Judith Larino