Umaasa si Kapamilya actor Gerald Anderson na non showbiz o hindi manggagaling sa kanyang mundo ang susunod na magiging girlfriend.
Ito ayon kay Gerald ay para na rin magkahiwalay ang mundong ginagalawan nila at makaiwasa na rin sa mga isyu.
Gayunman, sinabi ni Gerald na hindi naman niya isinasara ang kaniyang puso na ma-inlove muli sa kapwa niya artista bagamat hindi naman aniya siya nagmamadaling magkaroon ng kasinahan dahil ini-enjoy naman niya ang kaniyang pagiging single.
Ipinangako pa ni Gerald na magiging mas mabuting boyfriend siya sa susunod niyang relasyon.
Magugunitang si ang kapwa Kapamilya star na si Maja Salvador ang huling nakarelasyon ni Gerald ng halos dalawang taon.
By Judith Larino