Wala pang natatanggap na anumang request ang Armed Forces of the Philippines o AFP kaugnay ng planong extradition ng pamahalaan ng malaysia laban sa 2 miyembro ng Abu Sayyaf na sina Saddam Jailani At khadaffy Kamsa.
Sinabi ni major felimon tan junior, ang tagapagsalita ng western mindanao command na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan at pakikipagpalitan ng impormasyon sa mga otoridad ng malaysia kaugnay ng imbestigasyon.
Ani Tan, dapat ding dumaan sa Department of Foreign affairs o DFA ang naturang request ng Malaysian government.
By: Allan Francisco