Umalma ang mehikanong boksingero na si Cesar Juarez sa pag-i-iskor ng 3 hurado sa naging laban nila ni Nonito Donaire Junior.
Ayon kay Juarez, mas dikit dapat ang puntos nila ng the Filipino Flash dahil palitan naman ang naging laban.
Ngunit batay sa score cards, lumabas ang 116-110, 116-110 at 117-109, kung saan unanimous ang 3 hurado sa pagpabor kay donaire.
Gayunpaman, aminado si Juarez na magaling si donaire sa naging laban nila kahapon kaya siya natalo.
By: Avee Devierte