Suspendido na bukas, December 14 ang pasok sa mga eswelahan sa lahat ng antas sa probinsya ng Albay dahil kay bagyong Nona.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Albay, bahagi ito ng kanilang paghahanda sa pagdating ni Nona na inaasahang magla-land fall bukas sa Northern Samar.
Samantala, suspendido na rin ang klase bukas sa lahat ng antas sa probinsya ng Camarines Sur, alinsunod sa anunsyo ni Governor Miguel Villafuerte.
By: Allan Francisco