Tuloy-tuloy umano ang panghuhuli ng Department of Agriculture (DA) sa iba’t ibang panig bansa bunsod ng posibleng pagkalat ng botcha.
Ito’y matapos mabunyag na lumabas sa inventory na nawawala ang maraming frozen expired meat sa Bureau of Customs o BOC at posibleng nakapasok na ito sa mga pamilihan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi Agriculture Undersecretary Jose Reaño na binabantayan nila ito nang husto ngayon kasama ang Customs.
“Sinabi na po namin sa Bureau of Customs na eto ay hindi na puwedeng ilabas, itong mga kargamento na ito, yun po yung aming sitwasyon, hindi po kami makapag-isyu ng permit lahat-lahat po yan, dapat sinisimulan ng i-surrender ng Customs sa amin para sunugin.” Pahayag ni Reaño.
By Jelbert Perdez | Balitang Todong Lakas