Labing isang (11) Pinay domestic helpers ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga tauhan ng Bureau of Immigration o BI matapos magpanggap bilang religious missionaries.
Ayon kay Immigration Associate Commissioner Gilbert Repizo, nagpakilalang Born-Again Christians na mayroong preaching mission sa gitnang silangan ang mga Pinay.
Gayunman, sinabi ni Repizo na kalaunan ay inamin ng mga ito na sa Dubai ang kanilang huling destinasyon para magtrabaho bilang domestic helpers.
Nasa kustodya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT ang mga natimbog na suspek.
Hindi naman binanggit ang kanilang mga pangalan dahil nakasaad sa Anti-Trafficking Law na hindi maaaring ilabas sa publiko ang pagkakakilanlan ng mga biktima ng trafficking.
By Jelbert Perdez