Nakataas na sa red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos mag-landfall ang bagyong Nona sa Batag Island sa Northern Samar.
Ang pagtataas ng alerto ay para matiyak na nakatutok ang NDRRMC sa pag-update sa weather advisories at 24-hour public weather forecasts sa lahat ng kanilang regional offices.
Pinaaabisuhan naman ng NDRRMC sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa mga residenteng papalikasin sa mga delikadong lugar habang papalapit ang bagyo.
DOH
Naka-code white alert ang Department of Health (DOH) kaugnay sa bagyong Nona.
Partikular dito ang pagresponde ng DOH sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Malinaw sa code white alert ang paghahanda ng lahat ng mga ospital na magresponde sa anumang emergency situation.
By Judith Larino