(Updated)
Nag-landfall na ang bagyong Nona sa ikalimang pagkakataon sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Taglay ng bagyong Nona ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 170 kilometro kada oras.
Ang bagyong Nona ay kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Inaasahang magiging severe tropical storm ang bagyong Nona bukas ng umaga.
Nasa public storm signal number 3 naman ang Calamian Group of Islands at Mindoro Provinces kabilang ang Lubang Island.
Ang public storm signal number 2 ay nakataas sa Marinduque, Batangas at Romblon.
Ang public storm signal number 1 ay nakataas sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, Burias Island, Northern Palawan at Antique.
Ipinabatid ng PAGASA ang storm surge na aabot sa 2 metro sa mga lugar kung saan nakataas ang signal numbers 2 at 3.
Ang bagyong Nona ay inaasahang lalabas ng Philippine landmass ngayong hapon at lalabas ng PAR sa Biyernes bilang isang LPA.
Mararamdaman naman ng mga taga-Metro Manila ang epekto ng bagyong Nona hanggang bukas ng umaga.
Samantala ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa halos 2,000 kilometro silangan timog silangan ng Mindanao ay posibleng maging bagyo sa Biyernes.
Isa patay
Isa na ang nasawi sa panananalasa ng bagyong Nona sa Northern Samar.
Kinilala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento ang biktima na si Pascual Ausente, Jr., 31-taong gulang at mula sa bayan ng Allen.
Nabatid na si Ausente ay tinamaan nang lumipad na bubong sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.
By Judith Larino | Jonathan Andal