Niratipikahan na ng senado ang Bicameral Conference Committee Report kaugnay ng House Bill No. 6132 o ang General Appropriation Act na nagkakahalaga ng mahigit P3 trilyong piso.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, sa isang unanimous decision ay tuluyan nang naplantsa ang hindi magkakatugmang probisyon ng panukalang 2016 national budget.
Mismong si Senator Loren Legarda ang nag-manifesto ukol sa ratification subalit hindi na binasa ang buong proposed bill dahil lahat ng miyembrong senador ay may kopya na nito.
Bukod kina Drilon at Legarda, dumalo rin sa ratification ay ang iba pang mga senador na sina Chiz Escudero, Sonny Angara, Bam Aquino, Nancy Binay, Ralph Recto, Teofisto Guingona, Sergio Osmeña, JV Ejercito, Grace Poe, Vicente Sotto, Gregorio Honasan, Aquilino Pimentel III, Pia Cayetano at Cynthia Villar.
Hindi naman nakadalo sina Senators Antonio Trillanes, Lito Lapid, Miriam Defensor-Santiago, Ferdinand Marcos Jr., Alan Peter Cayetano at Juan Ponce Enrile habang sina Senators Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr. ay kasalukuyang nakakulong.
By Jelbert Perdez