Bumaba na ang bilang ng mga pasaherong na-stranded sa North Port terminal.
Nabatid na nasa 115 na lamang ang stranded mula sa mahigit 2,000 pasahero kahapon na karamihan ay umuwi na lamang sa kanilang mga tahanan.
Kabilang sa mga naghintay na lamang para makapagbiyahe si Lola Celina Sancho, 66 na taong gulang na kasama ang 5 taong gulang na apo nito.
Ayon kay Lola Celina, hindi na sila makauwi pabalik ng Rizal dahil maulan at wala na silang ekstrang pera.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)