Hinihintay na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang rekomendasyon ng Departments of Foreign Affairs at Health hinggil sa posibleng pag-lift sa deployment ban sa mga OFW sa bansang Guinea.
Ito, ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac ay sa kabila ng pagbuti ng sitwasyon sa Guinea bunsod ng paghupa ng ebola virus outbreak.
Ipinaliwanag ni Cacdac na hindi naman sila eksperto sa nasabing issue kaya’t ipinauubaya na nila ito sa DFA at DOH na tanging makapagsasabi na ligtas ng magpadala ng mga OFW sa nabanggit na bansa.
Magugunita nong December 2014 nang magpatupad ang POEA ng total deployment ban sa mga OFW patungong West Africa partikular sa Guinea, Liberia at Sierra Leone dahil sa ebola virus outbreak.
By Drew Nacino