Halos hindi mahulugang karayom ang mga simbahan ngayong unang araw ng tradisyunal na Misa de Gallo o Simbang Gabi ngayong araw.
Ito ang siyam na araw na paghahanda para sa papalapit na pagdiriwang ng Pasko o ang paggunita sa kapanganakan ni Hesukristo sa Betlehem, Hudeya.
Kagabi pa lamang, dinagsa na rin ang mga simbahan dahil sa tinatawag na anticipated mass ng Simbang Gabi.
Bunsod nito, hinikayat ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga magsing-irog na sabay na magsimba.
Ngunit paalala ng simbahan, dapat gamitin ng mga ito ang Simbang Gabi para patatagin ang kanilang relasyon sa Diyos at sa isa’t isa.
Giit pa ng arzobispo, dapat maintindihan ng lahat na ang misa ay isang sagradong pagdiriwang at hindi isang uri lamang ng palabas.
By Jaymark Dagala