Humingi na ng paumanhin si Sacramento Kings Guard Rajon Rondo matapos magsalita ng masama laban sa NBA refee na si Bill Kennedy.
Magugunitang hindi pinaglaro si Rondo noong isang linggo ng National Basketball Association dahil sa naging remarks nito sa December 3 game laban sa Boston Celtics sa Mexico City.
Ayon kay Rondo, hindi katanggap-tanggap ang naging salita niya kay Kennedy at hindi ito nagre-reflect ng kanyang damdamin sa LGBT community.
Dahil dito, nais niyang humingi ng paumanhin kay Kennedy at batid niyang wala sa lugar at hindi makatuwiran ang hindi pagrespeto sa sexual orientation ng isang tao.
Magugunitang si Kennedy na unang umaming gay at nasa kanyang 18th season na bilang NBA referee ay knumpronta ni Rondo na tinawagan nito ng dalawang technical foul at hindi na pinaglaro.
By Judith Larino