Itinakda ng Supreme Court En Banc sa January 19, 2016 ang oral argument kaugnay sa disqualification case na isinampa ni Rizalito David laban kay Senador Grace Poe.
Una nang iniakyat ni David sa Korte Suprema ang petisyon niyang ma-disqualify si Poe matapos itong ibasura ng SET o Senate Electoral Tribunal.
Samantala, binigyan ng 15 araw ang mga miyembro ng SET para sagutin ang petisyon ni David.
Pinasasagot din ang kampo ni Poe, 15-araw pagkatanggap ng notice hinggil dito.
By Judith Larino | Bert Mozo (Patrol 3)