Inatasan ng Malacañang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad ipamahagi ang mga relief goods sa mga naapektuhan ng bagyong Nona.
Ito ay para maiwasan ang mga insidente ng pagkabulok ng relief goods na nangyari pagtapos ng pagtama noon ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nakatutok ngayon ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng agarang tulong tulad ng emergency shelter assistance.
Samantala, tiniyak naman ng DSWD sa Pangulong Noynoy Aquino na sapat ang mga naka-preposition na food packs para sa mga biktima ng bagyong Nona.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)