Dumating na sa bansa si WBO Superbantamweight Champion Nonito Donaire, Jr. matapos ang unanimous decison win kay Cesar Juarez.
Kasama ni Donaire na balik Pilipinas kaninang madaling araw ang asawa nitong si Rachel at dalawang anak nila.
Sa kaniyang pagdating sa bansa, nagpasalamat si Donaire sa kaniyang Filipino fans dahil sa suporta na naging inspirasyon aniya nila para manalo.
Sinabi ni Donaire na hindi pa niya alam kung sino ang susunod na makakalaban niya pero mag-eenjoy muna siya nang pag-celebrate ng holiday season sa Pilipinas kasama ang kanyang buong pamilya.
By Judith Larino | Photo from: Raoul Esperas (Patrol 45)