Idineklara na ni Pangulong Benigno Aquino III ang state of national calamity matapos ang pananalasa ng bagyong Nona sa Eastern Visayas, Bicol at Southern Tagalog regions.
Layunin ng deklarasyon ng state of national calamity na mapabilis ang rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts ng gobyerno at private sector.
Sa ilalim nito ay mako-control ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa mga apektadong lugar.
Inatasan naman ni Pangulong Aquino ang mga law enforcement agency katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na gawin ang lahat ng nararapat upang matiyak ang peace and order.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)