(Updated)
Umakyat na sa 34 na katao ang kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Nona.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Alexander Pama, naitala ang dalawang (2) casualty sa Region 2; tatlo (3) patay sa Region 4A; labing tatlo (13) sa region 4B; apat (4) sa Region 5; walo (8) sa Region 8 at isa (1) sa NCR.
Nakapagtala rin ang ahensya ng 24 na sugatan at limang (5) nawawala dahil kay Nona.
Samantala, umabot na sa higit 165,000 pamilya ang inilikas dahil sa bagyong nona sa regions 4A, 4B, 5, 7 at 8.
Higit 74,000 pamilya naman na ang nasilbihan ng gobyerno.
Gumamit naman ang pamahalaan ng 518 evacuation centers at halos 36,000 pamilya ang nasa loob nito habang ang 38,000 pamilya ang nakikitira muna sa kanilang mga kakilala.
By Jonathan Andal